1 Mga Hari 22

Samantala, nag-utos ang hari ng Aram sa tatlumpuʼt dalawang kumander ng kanyang mga mangangarwahe, “Huwag kayong makikipaglaban sa kahit sino, kundi sa hari lang ng Israel.”

1 Kings 22:31 (UKJV) But the king of Syria commanded his thirty and two captains that had rule over his chariots, saying, Fight neither with small nor great, save only with the king of Israel.

29Kaya lumusob sa Ramot-gilead si Ahab na hari ng Israel at si Haring Jehoshafat ng Juda.

30Sinabi ni Ahab kay Jehoshafat, “Sa panahon ng labanan, hindi ako magpapakilala na ako ang hari, ngunit ikaw magsuot ka ng iyong damit panghari.” Kaya nagkunwari ang hari ng Israel, at nakipaglaban sila.

31Samantala, nag-utos ang hari ng Aram sa tatlumpuʼt dalawang kumander ng kanyang mga mangangarwahe, “Huwag kayong makikipaglaban sa kahit sino, kundi sa hari lang ng Israel.”

32Pagkakita ng mga kumander ng mga mangangarwahe kay Jehoshafat, inisip nila na siya ang hari ng Israel, kaya nilusob nila ito. Ngunit nang sumigaw si Jehoshafat,

33nalaman ng mga kumander ng mga mangangarwahe na hindi pala siya ang hari ng Israel kaya huminto sila sa paghabol sa kanya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.