1 Mga Hari 22

May ipinagawa si Jehoshafat na mga barko na pangkalakal na naglalayag sa Ofir para kumuha ng ginto. Ngunit hindi nakapaglayag ang mga ito dahil nasira pagdating sa Ezion-geber.

1 Kings 22:48 (UKJV) Jehoshaphat made ships of Tharshish to go to Ophir for gold: but they went not; for the ships were broken at Eziongeber.

46Pinalayas niya ang mga lalaking nagbebenta ng aliw sa mga sambahan sa matataas na lugar, na hindi umalis noong panahon ng ama niyang si Asa.

47Nang panahong iyon ay walang hari sa Edom; pinamamahalaan lang ito ng isang pinuno na pinili ni Jehoshafat.

48May ipinagawa si Jehoshafat na mga barko na pangkalakal na naglalayag sa Ofir para kumuha ng ginto. Ngunit hindi nakapaglayag ang mga ito dahil nasira pagdating sa Ezion-geber.

49Nang panahong iyon, sinabi ni Ahazias na anak ni Ahab kay Jehoshafat, “Pasamahin mo ang aking mga tauhan sa iyong mga tauhan sa kanilang paglalayag.” Ngunit hindi pumayag si Jehoshafat.

50Namatay si Jehoshafat at inilibing siya sa libingan ng mga ninuno niya sa Lungsod ni David. Ang anak niyang si Jehoram ang pumalit sa kanya bilang hari.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.