1 Mga Hari 22

Namatay si Jehoshafat at inilibing siya sa libingan ng mga ninuno niya sa Lungsod ni David. Ang anak niyang si Jehoram ang pumalit sa kanya bilang hari.

1 Kings 22:50 (UKJV) And Jehoshaphat slept with his fathers, and was buried with his fathers in the city of David his father: and Jehoram his son reigned in his position.

48May ipinagawa si Jehoshafat na mga barko na pangkalakal na naglalayag sa Ofir para kumuha ng ginto. Ngunit hindi nakapaglayag ang mga ito dahil nasira pagdating sa Ezion-geber.

49Nang panahong iyon, sinabi ni Ahazias na anak ni Ahab kay Jehoshafat, “Pasamahin mo ang aking mga tauhan sa iyong mga tauhan sa kanilang paglalayag.” Ngunit hindi pumayag si Jehoshafat.

50Namatay si Jehoshafat at inilibing siya sa libingan ng mga ninuno niya sa Lungsod ni David. Ang anak niyang si Jehoram ang pumalit sa kanya bilang hari.

51Naging hari ng Israel si Ahazias na anak ni Ahab noong ikalabimpitong taon ng paghahari ni Jehoshafat sa Juda. Sa Samaria tumira si Ahazias, at naghari siya sa loob ng dalawang taon.

52Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon, dahil sumunod siya sa kanyang amaʼt ina, at kay Jeroboam na anak ni Nebat, na siyang naging dahilan ng pagkakasala ng mga Israelita.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.