1 Mga Hari 22

Naging hari ng Israel si Ahazias na anak ni Ahab noong ikalabimpitong taon ng paghahari ni Jehoshafat sa Juda. Sa Samaria tumira si Ahazias, at naghari siya sa loob ng dalawang taon.

1 Kings 22:51 (UKJV) Ahaziah the son of Ahab began to reign over Israel in Samaria the seventeenth year of Jehoshaphat king of Judah, and reigned two years over Israel.

49Nang panahong iyon, sinabi ni Ahazias na anak ni Ahab kay Jehoshafat, “Pasamahin mo ang aking mga tauhan sa iyong mga tauhan sa kanilang paglalayag.” Ngunit hindi pumayag si Jehoshafat.

50Namatay si Jehoshafat at inilibing siya sa libingan ng mga ninuno niya sa Lungsod ni David. Ang anak niyang si Jehoram ang pumalit sa kanya bilang hari.

51Naging hari ng Israel si Ahazias na anak ni Ahab noong ikalabimpitong taon ng paghahari ni Jehoshafat sa Juda. Sa Samaria tumira si Ahazias, at naghari siya sa loob ng dalawang taon.

52Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon, dahil sumunod siya sa kanyang amaʼt ina, at kay Jeroboam na anak ni Nebat, na siyang naging dahilan ng pagkakasala ng mga Israelita.

53Sumamba siya at naglingkod kay Baal. Katulad ng ginawa ng kanyang ama, ginalit din niya ang Panginoon, ang Diyos ng Israel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.