50Namatay si Jehoshafat at inilibing siya sa libingan ng mga ninuno niya sa Lungsod ni David. Ang anak niyang si Jehoram ang pumalit sa kanya bilang hari.
51Naging hari ng Israel si Ahazias na anak ni Ahab noong ikalabimpitong taon ng paghahari ni Jehoshafat sa Juda. Sa Samaria tumira si Ahazias, at naghari siya sa loob ng dalawang taon.
52Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon, dahil sumunod siya sa kanyang amaʼt ina, at kay Jeroboam na anak ni Nebat, na siyang naging dahilan ng pagkakasala ng mga Israelita.
53Sumamba siya at naglingkod kay Baal. Katulad ng ginawa ng kanyang ama, ginalit din niya ang Panginoon, ang Diyos ng Israel.