1 Mga Hari 3

Sumagot ang isang babae, “Hindi totoo iyan! Akin ang buháy na sanggol at sa iyo ang patay.” Ngunit sinabi ng unang babae, “Hindi totoo iyan! Iyo ang patay na sanggol at akin ang buhay.” Kaya nagsagutan silang dalawa sa harapan ng hari.

1 Kings 3:22 (UKJV) And the other woman said, Nay; but the living is my son, and the dead is your son. And this said, No; but the dead is your son, and the living is my son. Thus they spoke before the king.

20Nang maghatinggabi, bumangon siya habang natutulog ako at pinagpalit ang mga anak namin. Inilagay niya ang anak ko sa tabi niya at ang anak naman niyang namatay ay inilagay niya sa tabi ko.

21Kinabukasan, nang bumangon ako para pasusuhin ang anak ko, nakita kong patay na ito. At nang mapagmasdan kong mabuti ang sanggol sa liwanag, nakita kong hindi siya ang aking anak.”

22Sumagot ang isang babae, “Hindi totoo iyan! Akin ang buháy na sanggol at sa iyo ang patay.” Ngunit sinabi ng unang babae, “Hindi totoo iyan! Iyo ang patay na sanggol at akin ang buhay.” Kaya nagsagutan silang dalawa sa harapan ng hari.

23Sinabi ng hari, “Ang bawat isa sa inyo ay gustong angkinin ang buhay na sanggol at walang isa man sa inyo ang gustong umangkin sa patay na sanggol.”

24Kaya nag-utos ang hari na bigyan siya ng espada. At nang dalhan siya ng espada,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.