15Si Ahimaaz, na namamahala sa Neftali. (Asawa siya ni Basemat na anak ni Solomon.)
16Si Baana na anak ni Husai, na namamahala sa Asher at sa Alot.
17Si Jehosafat na anak ni Parua, na namamahala sa Isacar.
18Si Simei na anak ni Ela, na namamahala sa Benjamin.
19Si Geber na anak ni Uri, na namamahala sa Gilead na sakop noon ni Sihon na hari ng mga Amoreo at ni Haring Og ng Bashan. Si Geber lamang ang gobernador sa buong distritong ito.