1 Mga Hari 4

Sakop ni Solomon ang buong lupain sa kanlurang Ilog Eufrates mula sa Tifsa hanggang sa Gaza. At maganda ang pakikitungo niya sa lahat ng bansa sa palibot niya.

1 Kings 4:24 (UKJV) For he had dominion over all the region on this side the river, from Tiphsah even to Azzah, over all the kings on this side the river: and he had peace on all sides round about him.

22Ito ang mga pagkaing kailangan ni Solomon sa kanyang palasyo bawat araw: isandaang sako ng magandang klaseng harina, dalawandaang sako ng ordinaryong harina,

23sampung pinatabang baka sa kulungan, dalawampung baka na galing sa pastulan, isang daang tupa o kambing, hindi pa kasama ang ibaʼt ibang uri ng mga usa at magandang uri ng ibon at manok.

24Sakop ni Solomon ang buong lupain sa kanlurang Ilog Eufrates mula sa Tifsa hanggang sa Gaza. At maganda ang pakikitungo niya sa lahat ng bansa sa palibot niya.

25Kaya habang nabubuhay si Solomon, may kapayapaan sa Juda at sa Israel, mula Dan hanggang sa Beer-seba. Ang bawat tao ay payapang nakaupo sa ilalim ng kanyang tanim na ubas at puno ng igos.

26May apatnapung libo kuwadra si Solomon para sa kanyang mga kabayong pangkarwahe at may 12,000 siyang mangangabayo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.