9Hahakutin ito ng mga tauhan ko mula sa Lebanon hanggang sa dagat at gagawin nila itong parang balsa, at palulutangin papunta sa lugar na pipiliin mo. At doon ito kakalagin ng mga tauhan ko at kayo na ang bahalang kumuha nito. Bilang kabayaran, bigyan mo ako ng pagkain para sa mga tauhan ko sa aking palasyo.”
10Pinadalhan nga ni Hiram si Solomon ng lahat ng kahoy na sedro at sipres na kailangan niya.
11At pinadalhan naman ni Solomon si Hiram ng isandaang libong takal ng trigo at 110,000 galong langis ng olibo bawat taon.
12Binigyan ng Panginoon si Solomon ng karunungan ayon sa kanyang ipinangako. Maganda ang relasyon nina Solomon at Hiram, at gumawa sila ng kasunduan na hindi sila maglalaban.
13Pagkatapos, sapilitang pinagtrabaho ni Haring Solomon ang tatlumpung libong kalalakihan mula sa buong Israel.