1 Mga Hari 5

May pitumpung libong tao si Solomon na tagahakot ng mga materyales at walumpung libong tao na tagatabas ng bato sa kabundukan.

1 Kings 5:15 (UKJV) And Solomon had threescore and ten thousand that bare burdens, and fourscore thousand hewers in the mountains;

13Pagkatapos, sapilitang pinagtrabaho ni Haring Solomon ang tatlumpung libong kalalakihan mula sa buong Israel.

14Pinagpangkat sila ayon sa bilang na sampung libo bawat isang pangkat at ipinapadala sa Lebanon bawat buwan. Kaya ang bawat grupo ay isang buwan sa Lebanon at dalawang buwan sa kanilang lugar. Si Adoniram ang tagapamahala ng mga trabahador na ito.

15May pitumpung libong tao si Solomon na tagahakot ng mga materyales at walumpung libong tao na tagatabas ng bato sa kabundukan.

16Mayroon din siyang 3,300 kapatas na namamahala sa trabaho at mga trabahador.

17At sa utos niya, nagtabas sila ng malalakiʼt magagandang uri ng bato para sa pundasyon ng Templo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.