1 Mga Hari 6

Sinimulan ni Solomon ang pagpapatayo ng Templo ng Panginoon noong ikalawang buwan, ang buwan ng Ziv, ng ikaapat na taon ng paghahari niya sa Israel. Ika-apat na raan at walumpung taon iyon ng paglaya ng mga Israelita sa Ehipto.

1 Kings 6:1 (UKJV) And it came to pass in the four hundred and eightieth year after the children of Israel were come out of the land of Egypt, in the fourth year of Solomon's reign over Israel, in the month Zif, which is the second month, that he began to build the house of the LORD.

1Sinimulan ni Solomon ang pagpapatayo ng Templo ng Panginoon noong ikalawang buwan, ang buwan ng Ziv, ng ikaapat na taon ng paghahari niya sa Israel. Ika-apat na raan at walumpung taon iyon ng paglaya ng mga Israelita sa Ehipto.

2Ang Templo na ipinatayo ni Haring Solomon para sa Panginoon ay 90 talampakan ang haba, 30 talampakan ang luwang at 45 talampakan ang taas.

3Ang luwang ng balkonahe ng Templo ay 15 talampakan, at ang haba ay 30 talampakan na katulad mismo ng luwang ng Templo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.