1Sinimulan ni Solomon ang pagpapatayo ng Templo ng Panginoon noong ikalawang buwan, ang buwan ng Ziv, ng ikaapat na taon ng paghahari niya sa Israel. Ika-apat na raan at walumpung taon iyon ng paglaya ng mga Israelita sa Ehipto.
2Ang Templo na ipinatayo ni Haring Solomon para sa Panginoon ay 90 talampakan ang haba, 30 talampakan ang luwang at 45 talampakan ang taas.
3Ang luwang ng balkonahe ng Templo ay 15 talampakan, at ang haba ay 30 talampakan na katulad mismo ng luwang ng Templo.
4Nagpagawa rin si Solomon ng mga bintana sa Templo. Mas malaki ang sukat nito sa loob kaysa sa labas.