26Ang bawat kerubin ay may taas na 15 talampakan.
27Pinagtabi ito ni Solomon sa loob ng Pinakabanal na Lugar na nakalukob ang mga pakpak. Ang isa nilang pakpak ay nagpapang-abot, at nakatutok sa gitna ng kuwarto. At ang kabilang pakpak naman ay nakasayad sa dingding.
28Pinatakpan din ni Solomon ng ginto ang dalawang kerubin.
29Ang lahat ng dingding sa dalawang kuwarto ng Templo ay pinaukitan ni Solomon ng mga kerubin, mga palma at mga bulaklak na nakabukadkad.
30Kahit ang sahig sa dalawang kuwarto ay pinatakpan din niya ng ginto.