1 Mga Hari 6

Ang lahat ng dingding sa dalawang kuwarto ng Templo ay pinaukitan ni Solomon ng mga kerubin, mga palma at mga bulaklak na nakabukadkad.

1 Kings 6:29 (UKJV) And he carved all the walls of the house round about with carved figures of cherubims and palm trees and open flowers, within and without.

27Pinagtabi ito ni Solomon sa loob ng Pinakabanal na Lugar na nakalukob ang mga pakpak. Ang isa nilang pakpak ay nagpapang-abot, at nakatutok sa gitna ng kuwarto. At ang kabilang pakpak naman ay nakasayad sa dingding.

28Pinatakpan din ni Solomon ng ginto ang dalawang kerubin.

29Ang lahat ng dingding sa dalawang kuwarto ng Templo ay pinaukitan ni Solomon ng mga kerubin, mga palma at mga bulaklak na nakabukadkad.

30Kahit ang sahig sa dalawang kuwarto ay pinatakpan din niya ng ginto.

31Ang pintuang papasok sa Pinakabanal na Lugar ay may dalawang pinto na gawa sa kahoy ng olibo at lima ang gilid ng mga hamba nito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.