1 Mga Hari 6

Ang daanan papasok sa Templo ay pinagawan din ni Solomon ng parihabang mga hamba na gawa sa kahoy na olibo.

1 Kings 6:33 (UKJV) So also made he for the door of the temple posts of olive tree, a fourth part of the wall.

31Ang pintuang papasok sa Pinakabanal na Lugar ay may dalawang pinto na gawa sa kahoy ng olibo at lima ang gilid ng mga hamba nito.

32Ang mga pintong ito ay pinaukitan ni Solomon ng mga kerubin, mga palma at mga namumukadkad na bulaklak, at pinabalutan ng ginto.

33Ang daanan papasok sa Templo ay pinagawan din ni Solomon ng parihabang mga hamba na gawa sa kahoy na olibo.

34May dobleng pinto din ito na gawa sa kahoy na sipres at ang bawat isa nito ay may dalawang hati na maaaring itiklop.

35Pinaukitan din ito ni Solomon ng mga kerubin, mga palma at mga namumukadkad na bulaklak, at maayos na binalutan ng ginto.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.