1 Mga Hari 6

Ang daanan papasok sa unang palapag ay nasa bandang timog ng Templo. May mga hagdan papuntang pangalawa at pangatlong palapag.

1 Kings 6:8 (UKJV) The door for the middle chamber was in the right side of the house: and they went up with winding stairs into the middle chamber, and out of the middle into the third.

6Ang luwang ng unang palapag ay pitoʼt kalahating talampakan, siyam na talampakan ang pangalawang palapag at ang pangatlong palapag naman ay sampuʼt kalahating talampakan. Ang pader ng Templo ay unti-unting numinipis sa bawat palapag upang maipatong ang mga kuwarto sa pader nang hindi na kailangan ng mga biga.

7Nang ipinatayo ang Templo, ang mga batong ginamit ay tinabas na sa pinagkunan nito, kaya wala nang maririnig na pukpok ng martilyo, palakol o anumang gamit na bakal.

8Ang daanan papasok sa unang palapag ay nasa bandang timog ng Templo. May mga hagdan papuntang pangalawa at pangatlong palapag.

9Nang nailagay na ang mga dingding ng Templo, pinalagyan ito ni Solomon ng kisame na ang mga tabla ay sedro.

10At ang mga kuwarto sa mga gilid at likod ng Templo, na ang taas ay pitoʼt kalahating talampakan, na nakakabit sa Templo ay ginamitan din ng mga bigang sedro.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.