15Gumawa si Huram ng dalawang haliging tanso na ang bawat isa ay may taas na 27 talampakan at may pabilog na sukat na 18 talampakan.
16Gumawa rin siya ng dalawang ulo ng mga haliging gawa sa tanso, na ang bawat isa ay may taas na pitoʼt kalahating talampakan.
17Ang bawat ulo ng haligi ay napapalamutian ng pitong kadenang dugtong-dugtong
18na may dalawang hilerang palamuti na ang hugis ay parang prutas na pomegranata.
19Ang hugis ng ulo ng mga haligi sa balkonahe ay parang mga bulaklak na liryo, at ang taas nito ay anim na talampakan.