34Ang bawat kariton ay may apat na hawakan, isa sa bawat gilid, at naiporma na ito kasama ng kariton.
35Sa ibabaw ng bawat kariton ay may pabilog na leeg na may siyam na pulgada ang taas. Ang mga tukod nito at ang dingding ay naiporma na din kasama ng kariton.
36Ang dingding at mga tukod ay puno ng mga nakaukit na kerubin, leon at puno ng palma, kahit saan na may lugar para sa mga ito. At may palamuti rin ito na parang mga bulaklak na nakakabit sa paligid nito.
37Ganito ang pagkakagawa ni Huram ng sampung kariton. Magkakatulad lahat ang kanilang laki at hugis, sapagkat iisa lang ang pinaghulmahan nilang lahat.
38Nagpagawa rin si Huram ng sampung tansong planggana, isa para sa bawat kariton. Ang luwang ng bawat planggana ay anim na talampakan at maaaring lagyan ng 220 galong tubig.