1 Mga Hari 7

Ang bawat kariton ay may apat na hawakan, isa sa bawat gilid, at naiporma na ito kasama ng kariton.

1 Kings 7:34 (UKJV) And there were four supporters to the four corners of one base: and the supporters were of the very base itself.

32Sa ilalim ng mga kuwadradong dingding ay may apat na gulong na nakakabit sa mga ehe, na kasama ng ginawa nang gawin ang kariton. Ang taas ng bawat gulong ay dalawang talampakan at tatlong pulgada

33at katulad ito ng gulong ng karwahe. Ang mga ehe, tubo, rayos at tapalodo ng gulong ay gawa lahat sa tanso.

34Ang bawat kariton ay may apat na hawakan, isa sa bawat gilid, at naiporma na ito kasama ng kariton.

35Sa ibabaw ng bawat kariton ay may pabilog na leeg na may siyam na pulgada ang taas. Ang mga tukod nito at ang dingding ay naiporma na din kasama ng kariton.

36Ang dingding at mga tukod ay puno ng mga nakaukit na kerubin, leon at puno ng palma, kahit saan na may lugar para sa mga ito. At may palamuti rin ito na parang mga bulaklak na nakakabit sa paligid nito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.