1 Mga Hari 7

Ang dalawang gilid ng gusaling magkaharap ay may tatlong hanay na bintana na magkakatapat.

1 Kings 7:4 (UKJV) And there were windows in three rows, and light was against light in three ranks.

2Ang isa sa mga gusali nito ay tinawag na Kagubatan ng Lebanon. Ang haba nito ay 150 talampakan, ang luwang ay 75 talampakan at ang taas ay 45 talampakan. Ito ay may apat na hanay ng mga haliging sedro, 15 bawat hanay, at nakatukod ito sa 45 na pambalagbag sa ibabaw ng haligi kung saan nakakabit ang kisameng sedro.

4Ang dalawang gilid ng gusaling magkaharap ay may tatlong hanay na bintana na magkakatapat.

5May tatlong hanay rin itong parihabang mga pintuan na magkakaharap.

6Ang isa pang gusali ay ang lugar na pinagtitipunan, na may maraming haligi. Ang haba nito ay 75 talampakan at ang luwang ay 45 talampakan. May balkonahe ito sa harapan, na may bubong at mga haligi.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.