1 Mga Hari 7

Nang matapos na ni Haring Solomon ang lahat ng gawain na kanyang ipinagawa para sa Templo ng Panginoon, inilagay niya sa kabang-yaman ng Templo ang lahat ng bagay na itinalaga ng ama niyang si David pati na ang ginto, pilak at iba pang kagamitan.

1 Kings 7:51 (UKJV) So was ended all the work that king Solomon made for the house of the LORD. And Solomon brought in the things which David his father had dedicated; even the silver, and the gold, and the vessels, did he put among the treasures of the house of the LORD.

49ang mga patungan ng ilaw na purong ginto na nakatayo sa harap ng Pinakabanal na Lugar (lima sa bandang kanan at lima sa kaliwa); ang mga gintong bulaklak, mga ilaw at mga pang-sipit;

50ang mga baso na purong ginto, mga panggupit ng mitsa ng ilaw, mga mangkok na ginagamit sa pangwisik, mga sandok at mga lalagyan ng insenso; ang mga gintong bisagra para sa mga pintuan ng Pinakabanal na Lugar at gitnang bahagi ng Templo.

51Nang matapos na ni Haring Solomon ang lahat ng gawain na kanyang ipinagawa para sa Templo ng Panginoon, inilagay niya sa kabang-yaman ng Templo ang lahat ng bagay na itinalaga ng ama niyang si David pati na ang ginto, pilak at iba pang kagamitan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.