1 Mga Hari 7

ang mga baso na purong ginto, mga panggupit ng mitsa ng ilaw, mga mangkok na ginagamit sa pangwisik, mga sandok at mga lalagyan ng insenso; ang mga gintong bisagra para sa mga pintuan ng Pinakabanal na Lugar at gitnang bahagi ng Templo.

1 Kings 7:50 (UKJV) And the bowls, and the snuffers, and the basons, and the spoons, and the censers of pure gold; and the hinges of gold, both for the doors of the inner house, the most holy place, and for the doors of the house, to know, of the temple.

48Nagpagawa rin si Solomon ng mga kagamitang ito para sa Templo ng Panginoon: ang gintong altar; ang mga gintong mesa na pinaglalagyan ng tinapay na inihahandog sa presensya ng Diyos;

49ang mga patungan ng ilaw na purong ginto na nakatayo sa harap ng Pinakabanal na Lugar (lima sa bandang kanan at lima sa kaliwa); ang mga gintong bulaklak, mga ilaw at mga pang-sipit;

50ang mga baso na purong ginto, mga panggupit ng mitsa ng ilaw, mga mangkok na ginagamit sa pangwisik, mga sandok at mga lalagyan ng insenso; ang mga gintong bisagra para sa mga pintuan ng Pinakabanal na Lugar at gitnang bahagi ng Templo.

51Nang matapos na ni Haring Solomon ang lahat ng gawain na kanyang ipinagawa para sa Templo ng Panginoon, inilagay niya sa kabang-yaman ng Templo ang lahat ng bagay na itinalaga ng ama niyang si David pati na ang ginto, pilak at iba pang kagamitan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.