1 Mga Hari 8

Hindi na makagawa ang mga pari sa kanilang gawain sa Templo dahil sa ulap, dahil ang kapangyarihan ng Panginoon ay bumalot sa kanyang Templo.

1 Kings 8:11 (UKJV) So that the priests could not stand to minister because of the cloud: for the glory of the LORD had filled the house of the LORD.

9Walang ibang laman ang Kahon maliban sa dalawang malalapad na bato na inilagay ni Moises noong nandoon siya sa Horeb, kung saan gumawa ng kasunduan ang Panginoon sa mga Israelita pagkatapos nilang lumabas sa Ehipto.

10Nang lumabas ang mga pari sa Banal na Lugar, may ulap na bumalot sa Templo ng Panginoon.

11Hindi na makagawa ang mga pari sa kanilang gawain sa Templo dahil sa ulap, dahil ang kapangyarihan ng Panginoon ay bumalot sa kanyang Templo.

12At nanalangin si Solomon, “Sinabi nʼyo po Panginoon na maninirahan kayo sa makapal na ulap.

13Ngayon, nagpatayo po ako ng kahanga-hangang Templo para sa inyo, na matatahanan nʼyo magpakailanman.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.