11Hindi na makagawa ang mga pari sa kanilang gawain sa Templo dahil sa ulap, dahil ang kapangyarihan ng Panginoon ay bumalot sa kanyang Templo.
12At nanalangin si Solomon, “Sinabi nʼyo po Panginoon na maninirahan kayo sa makapal na ulap.
13Ngayon, nagpatayo po ako ng kahanga-hangang Templo para sa inyo, na matatahanan nʼyo magpakailanman.”
14Pagkatapos, humarap si Haring Solomon sa buong kapulungan ng Israel na nakatayo roon at binasbasan niya sila.
15Sinabi niya: “Purihin ang Panginoon, ang Diyos ng Israel. Tinupad niya ang kanyang pangako sa aking ama na si David. Sinabi niya noon,