1 Mga Hari 8

Sinabi niya: “Purihin ang Panginoon, ang Diyos ng Israel. Tinupad niya ang kanyang pangako sa aking ama na si David. Sinabi niya noon,

1 Kings 8:15 (UKJV) And he said, Blessed be the LORD God of Israel, which spoke with his mouth unto David my father, and has with his hand fulfilled it, saying,

13Ngayon, nagpatayo po ako ng kahanga-hangang Templo para sa inyo, na matatahanan nʼyo magpakailanman.”

14Pagkatapos, humarap si Haring Solomon sa buong kapulungan ng Israel na nakatayo roon at binasbasan niya sila.

15Sinabi niya: “Purihin ang Panginoon, ang Diyos ng Israel. Tinupad niya ang kanyang pangako sa aking ama na si David. Sinabi niya noon,

16‘Mula nang panahon na inilabas ko ang mga mamamayan kong Israelita sa Ehipto, hindi ako pumili ng lungsod sa kahit anong lahi ng Israel para pagtayuan ng Templo para sa kaluwalhatian ng aking pangalan. Ngunit pinili ko si David upang mamahala sa mga mamamayan kong Israelita.’

17“Nasa puso ng aking amang si David na magtayo ng Templo sa pagpaparangal sa Panginoon, ang Diyos ng Israel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.