1 Mga Hari 8

“Nasa puso ng aking amang si David na magtayo ng Templo sa pagpaparangal sa Panginoon, ang Diyos ng Israel.

1 Kings 8:17 (UKJV) And it was in the heart of David my father to build an house for the name of the LORD God of Israel.

15Sinabi niya: “Purihin ang Panginoon, ang Diyos ng Israel. Tinupad niya ang kanyang pangako sa aking ama na si David. Sinabi niya noon,

16‘Mula nang panahon na inilabas ko ang mga mamamayan kong Israelita sa Ehipto, hindi ako pumili ng lungsod sa kahit anong lahi ng Israel para pagtayuan ng Templo para sa kaluwalhatian ng aking pangalan. Ngunit pinili ko si David upang mamahala sa mga mamamayan kong Israelita.’

17“Nasa puso ng aking amang si David na magtayo ng Templo sa pagpaparangal sa Panginoon, ang Diyos ng Israel.

18Ngunit sinabi sa kanya ng Panginoon, ‘Mabuti na naghahangad kang magpatayo ng Templo para sa kaluwalhatian ng aking pangalan.

19Ngunit hindi ikaw ang magtatayo nito kundi ang sarili mong anak. Siya ang magtatayo ng Templo para sa kaluwalhatian ng aking pangalan.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.