17“Nasa puso ng aking amang si David na magtayo ng Templo sa pagpaparangal sa Panginoon, ang Diyos ng Israel.
18Ngunit sinabi sa kanya ng Panginoon, ‘Mabuti na naghahangad kang magpatayo ng Templo para sa kaluwalhatian ng aking pangalan.
19Ngunit hindi ikaw ang magtatayo nito kundi ang sarili mong anak. Siya ang magtatayo ng Templo para sa kaluwalhatian ng aking pangalan.’
20“Tinupad ng Panginoon ang kanyang ipinangako. Ako ang pumalit sa aking amang si David bilang hari ng Israel, ayon sa ipinangako ng Panginoon. At ipinatayo ko ang Templo para parangalan ang Panginoon, ang Diyos ng Israel.
21Nagpagawa ako ng lugar doon sa Templo para sa Kahon, kung saan nakalagay ang Kasunduan ng Panginoon, na kanyang ginawa sa ating mga ninuno nang inilabas niya sila sa Ehipto.”