19Ngunit hindi ikaw ang magtatayo nito kundi ang sarili mong anak. Siya ang magtatayo ng Templo para sa kaluwalhatian ng aking pangalan.’
20“Tinupad ng Panginoon ang kanyang ipinangako. Ako ang pumalit sa aking amang si David bilang hari ng Israel, ayon sa ipinangako ng Panginoon. At ipinatayo ko ang Templo para parangalan ang Panginoon, ang Diyos ng Israel.
21Nagpagawa ako ng lugar doon sa Templo para sa Kahon, kung saan nakalagay ang Kasunduan ng Panginoon, na kanyang ginawa sa ating mga ninuno nang inilabas niya sila sa Ehipto.”
22Sa harap ng buong kapulungan ng Israel, lumapit si Solomon sa altar ng Panginoon at itinaas niya ang kanyang mga kamay,
23at nanalangin: “O Panginoon, Diyos ng Israel, wala pong Diyos na katulad ninyo sa langit o sa lupa. Tinutupad ninyo ang inyong kasunduan at ipinapakita ninyo ang inyong pag-ibig sa inyong mga lingkod na buong pusong sumusunod sa inyo.