1 Mga Hari 8

at nanalangin: “O Panginoon, Diyos ng Israel, wala pong Diyos na katulad ninyo sa langit o sa lupa. Tinutupad ninyo ang inyong kasunduan at ipinapakita ninyo ang inyong pag-ibig sa inyong mga lingkod na buong pusong sumusunod sa inyo.

1 Kings 8:23 (UKJV) And he said, LORD God of Israel, there is no God like you, in heaven above, or on earth beneath, who keep covenant and mercy with your servants that walk before you with all their heart:

21Nagpagawa ako ng lugar doon sa Templo para sa Kahon, kung saan nakalagay ang Kasunduan ng Panginoon, na kanyang ginawa sa ating mga ninuno nang inilabas niya sila sa Ehipto.”

22Sa harap ng buong kapulungan ng Israel, lumapit si Solomon sa altar ng Panginoon at itinaas niya ang kanyang mga kamay,

23at nanalangin: “O Panginoon, Diyos ng Israel, wala pong Diyos na katulad ninyo sa langit o sa lupa. Tinutupad ninyo ang inyong kasunduan at ipinapakita ninyo ang inyong pag-ibig sa inyong mga lingkod na buong pusong sumusunod sa inyo.

24Tinupad nʼyo ang inyong ipinangako sa aking amang si David na inyong lingkod. Kayo po ang nangako, at kayo rin ang tumupad sa araw na ito.

25“At ngayon, Panginoon, Diyos ng Israel, tuparin nʼyo rin po ang ipinangako ninyo sa lingkod ninyong si David na aking ama nang sinabi nʼyo sa kanya, ‘Laging sa angkan mo magmumula ang maghahari sa Israel kung matapat na susunod sa akin ang mga angkan mo, tulad ng iyong ginawa.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.