23at nanalangin: “O Panginoon, Diyos ng Israel, wala pong Diyos na katulad ninyo sa langit o sa lupa. Tinutupad ninyo ang inyong kasunduan at ipinapakita ninyo ang inyong pag-ibig sa inyong mga lingkod na buong pusong sumusunod sa inyo.
24Tinupad nʼyo ang inyong ipinangako sa aking amang si David na inyong lingkod. Kayo po ang nangako, at kayo rin ang tumupad sa araw na ito.
25“At ngayon, Panginoon, Diyos ng Israel, tuparin nʼyo rin po ang ipinangako ninyo sa lingkod ninyong si David na aking ama nang sinabi nʼyo sa kanya, ‘Laging sa angkan mo magmumula ang maghahari sa Israel kung matapat na susunod sa akin ang mga angkan mo, tulad ng iyong ginawa.’
26Kaya ngayon, O Diyos ng Israel, tuparin nʼyo ang ipinangako ninyo sa lingkod ninyong si David na aking ama.
27“Pero makakapanahan po ba talaga kayo, O Diyos, dito sa mundo? Ni hindi nga po kayo magkasya kahit sa pinakamataas na langit, dito pa kaya sa Templo na ipinatayo ko?