1 Mga Hari 8

“Kung ang mga mamamayan nʼyong Israelita ay matalo ng mga kalaban nila dahil nagkasala sila sa inyo at kung manumbalik sila at magpuri sa inyo sa pamamagitan ng pananalangin at paghingi ng awa sa inyo sa Templong ito,

1 Kings 8:33 (UKJV) When your people Israel be smitten down before the enemy, because they have sinned against you, and shall return to you, and confess your name, and pray, and make supplication unto you in this house:

31“Kung ang isang tao ay pinagbintangang nagkasala sa kanyang kapwa, at pinapunta siya sa inyong altar sa Templo na ito para sumumpa na inosente siya,

32dinggin nʼyo po ito diyan sa langit at husgahan ang inyong mga lingkod, ang nagbintang at ang pinagbintangan. Parusahan nʼyo po ang nagkasala ayon sa kanyang ginawa at palayain ang walang sala para mahayag na inosente siya.

33“Kung ang mga mamamayan nʼyong Israelita ay matalo ng mga kalaban nila dahil nagkasala sila sa inyo at kung manumbalik sila at magpuri sa inyo sa pamamagitan ng pananalangin at paghingi ng awa sa inyo sa Templong ito,

34pakinggan nʼyo po sila diyan sa langit. Patawarin nʼyo sila sa kanilang kasalanan at dalhin ninyo sila pabalik sa lupaing ibinigay ninyo sa kanilang mga ninuno.

35“Kung hindi ninyo pauulanin, dahil nagkasala ang inyong mga mamamayan sa inyo, at kung manalangin po silang nakaharap sa Templong ito at magpuri sa inyo, at magsisi sa kanilang mga kasalanan dahil pinarusahan nʼyo sila,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.