29Ingatan nʼyo po sana ang Templong ito araw at gabi, ang lugar na sinabi nʼyong dito pararangalan ang pangalan nʼyo. Pakinggan nʼyo po sana ako na inyong lingkod sa aking pananalangin na nakaharap sa lugar na ito.
30Pakinggan nʼyo po ang kahilingan ko at ng mga mamamayan nʼyo kapag silaʼy nanalangin na nakaharap sa lugar na ito. Pakinggan nʼyo kami diyan sa inyong luklukan sa langit. At kung marinig nʼyo kami, patawarin nʼyo po kami.
31“Kung ang isang tao ay pinagbintangang nagkasala sa kanyang kapwa, at pinapunta siya sa inyong altar sa Templo na ito para sumumpa na inosente siya,
32dinggin nʼyo po ito diyan sa langit at husgahan ang inyong mga lingkod, ang nagbintang at ang pinagbintangan. Parusahan nʼyo po ang nagkasala ayon sa kanyang ginawa at palayain ang walang sala para mahayag na inosente siya.
33“Kung ang mga mamamayan nʼyong Israelita ay matalo ng mga kalaban nila dahil nagkasala sila sa inyo at kung manumbalik sila at magpuri sa inyo sa pamamagitan ng pananalangin at paghingi ng awa sa inyo sa Templong ito,