34pakinggan nʼyo po sila diyan sa langit. Patawarin nʼyo sila sa kanilang kasalanan at dalhin ninyo sila pabalik sa lupaing ibinigay ninyo sa kanilang mga ninuno.
35“Kung hindi ninyo pauulanin, dahil nagkasala ang inyong mga mamamayan sa inyo, at kung manalangin po silang nakaharap sa Templong ito at magpuri sa inyo, at magsisi sa kanilang mga kasalanan dahil pinarusahan nʼyo sila,
36dinggin nʼyo po sila diyan sa langit. Patawarin nʼyo po ang kasalanan ng inyong mga lingkod, ang inyong mga mamamayang Israelita. Turuan nʼyo po sila ng matuwid na pamumuhay, at padalhan ng ulan ang lupain na inyong ibinigay sa kanila bilang pag-aari.
37“Kung may dumating pong taggutom sa lupain, o salot, kung malanta ang mga tanim, o salantahin ito ng peste gaya ng mga balang at mga uod, o kapag pinalibutan ng mga kalaban ang alinman sa kanilang mga lungsod, o lumaganap sa kanila ang kahit anong karamdaman,
38at kapag mayroon po sa kanila ang mananalangin o hihiling sa inyo na tulungan ninyo sila; kapag kinikilala po nilang dahil sa kanilang mga kasalanan dumating ang mga pagtitiis at sakuna sa kanila, at mananalangin po sila nang nakataas ang kanilang mga kamay, na nakaharap sa Templong ito,