39dinggin nʼyo po sila diyan sa inyong luklukan sa langit. Kumilos po kayo at patawarin sila, at gawin sa bawat isa ang nararapat sa kanilang mga ginawa, dahil alam nʼyo po ang bawat puso nila. Tunay na tanging kayo lamang po ang nakakaalam ng puso ng lahat ng tao.
40Gawin nʼyo po ito upang igalang nila kayo habang nabubuhay sila sa lupaing ibinigay nʼyo sa aming mga ninuno.
41“Kung ang mga dayuhan na nakatira sa malayong lugar ay makarinig ng inyong kadakilaan at kapangyarihan, at pumunta sila rito para sumamba sa inyo at manalangin na nakaharap sa Templong ito,
43dinggin nʼyo po sila diyan sa inyong luklukan sa langit. At gawin ang kahit anong hinihiling nila, upang ang lahat ng tao sa mundo ay makakilala sa inyo at gumalang sa inyo gaya ng inyong mga mamamayang Israelita. At upang malaman nilang pinaparangalan kayo sa bahay na aking ipinatayo.