1 Mga Hari 8

dinggin nʼyo po sila diyan sa inyong luklukan sa langit. Kumilos po kayo at patawarin sila, at gawin sa bawat isa ang nararapat sa kanilang mga ginawa, dahil alam nʼyo po ang bawat puso nila. Tunay na tanging kayo lamang po ang nakakaalam ng puso ng lahat ng tao.

1 Kings 8:39 (UKJV) Then hear you in heaven your dwelling place, and forgive, and do, and give to every man according to his ways, whose heart you know; (for you, even you only, know the hearts of all the children of men;)

37“Kung may dumating pong taggutom sa lupain, o salot, kung malanta ang mga tanim, o salantahin ito ng peste gaya ng mga balang at mga uod, o kapag pinalibutan ng mga kalaban ang alinman sa kanilang mga lungsod, o lumaganap sa kanila ang kahit anong karamdaman,

38at kapag mayroon po sa kanila ang mananalangin o hihiling sa inyo na tulungan ninyo sila; kapag kinikilala po nilang dahil sa kanilang mga kasalanan dumating ang mga pagtitiis at sakuna sa kanila, at mananalangin po sila nang nakataas ang kanilang mga kamay, na nakaharap sa Templong ito,

39dinggin nʼyo po sila diyan sa inyong luklukan sa langit. Kumilos po kayo at patawarin sila, at gawin sa bawat isa ang nararapat sa kanilang mga ginawa, dahil alam nʼyo po ang bawat puso nila. Tunay na tanging kayo lamang po ang nakakaalam ng puso ng lahat ng tao.

40Gawin nʼyo po ito upang igalang nila kayo habang nabubuhay sila sa lupaing ibinigay nʼyo sa aming mga ninuno.

41“Kung ang mga dayuhan na nakatira sa malayong lugar ay makarinig ng inyong kadakilaan at kapangyarihan, at pumunta sila rito para sumamba sa inyo at manalangin na nakaharap sa Templong ito,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.