1 Mga Hari 8

“Pansinin sana ninyo ang mga kahilingan ko at ang mga kahilingan ng inyong mga mamamayang Israelita, at pakinggan sana ninyo sila kapag silaʼy nanalangin sa inyo.

1 Kings 8:52 (UKJV) That yours eyes may be open unto the supplication of your servant, and unto the supplication of your people Israel, to hearken unto them in all that they call for unto you.

50Patawarin nʼyo po sila sa kanilang mga kasalanan at mga paglabag sa inyo, at loobin nʼyong kahabagan sila ng mga bumihag sa kanila.

51Dahil silaʼy mga taong inyong pagmamay-ari. Inilabas ninyo sila sa Ehipto, ang lugar na tulad ng naglalagablab na hurno.

52“Pansinin sana ninyo ang mga kahilingan ko at ang mga kahilingan ng inyong mga mamamayang Israelita, at pakinggan sana ninyo sila kapag silaʼy nanalangin sa inyo.

53Sapagkat hinirang ninyo sila sa lahat ng bansa sa mundo bilang bayan na inyong pagmamay-ari, sang-ayon sa sinabi ninyo kay Moises na inyong lingkod, noong inilabas ninyo ang aming mga ninuno sa Ehipto, o Makapangyarihang Panginoon.”

54Nang matapos ni Solomon ang kanyang panalangin at kahilingan sa Panginoon, tumayo siya sa harapan ng altar ng Panginoon, kung saan siya nakaluhod at nakataas ang mga kamay sa langit.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.