49dinggin nʼyo po ang kanilang dalangin at mga kahilingan diyan sa inyong luklukan sa langit, at bigyan sila ng tagumpay.
50Patawarin nʼyo po sila sa kanilang mga kasalanan at mga paglabag sa inyo, at loobin nʼyong kahabagan sila ng mga bumihag sa kanila.
51Dahil silaʼy mga taong inyong pagmamay-ari. Inilabas ninyo sila sa Ehipto, ang lugar na tulad ng naglalagablab na hurno.
52“Pansinin sana ninyo ang mga kahilingan ko at ang mga kahilingan ng inyong mga mamamayang Israelita, at pakinggan sana ninyo sila kapag silaʼy nanalangin sa inyo.
53Sapagkat hinirang ninyo sila sa lahat ng bansa sa mundo bilang bayan na inyong pagmamay-ari, sang-ayon sa sinabi ninyo kay Moises na inyong lingkod, noong inilabas ninyo ang aming mga ninuno sa Ehipto, o Makapangyarihang Panginoon.”