1 Mga Hari 9

ibinigay niya ang dalawampung bayan sa Galilea kay Haring Hiram ng Tiro. Ginawa niya ito dahil tinustusan siya ni Hiram ng lahat ng kahoy na sedro at sipres at ng ginto na kanyang kailangan.

1 Kings 9:11 (UKJV) (Now Hiram the king of Tyre had furnished Solomon with cedar trees and fir trees, and with gold, according to all his desire,) that then king Solomon gave Hiram twenty cities in the land of Galilee.

9Sasagot ang iba, ‘Dahil tinalikuran nila ang Panginoon na kanilang Diyos na naglabas sa kanilang mga ninuno sa Ehipto at naglingkod sila at sumamba sa mga diyos-diyosan. Iyan ang dahilan kung bakit pinadalhan sila ng Panginoon ng mga kapahamakan.’ ”

10Matapos na maipatayo ni Solomon ang dalawang gusali, ang Templo ng Panginoon at ang palasyo sa loob ng dalawampung taon,

11ibinigay niya ang dalawampung bayan sa Galilea kay Haring Hiram ng Tiro. Ginawa niya ito dahil tinustusan siya ni Hiram ng lahat ng kahoy na sedro at sipres at ng ginto na kanyang kailangan.

12Ngunit nang pumunta si Hiram sa Galilea mula sa Tiro upang tingnan ang mga bayan na ibinigay sa kanya ni Solomon, hindi siya nasiyahan dito.

13Sinabi niya kay Solomon, “Aking kapatid, anong klaseng mga bayan itong ibinigay mo sa akin?” Tinawag ni Hiram ang lupaing iyon na Cabul, at ganito pa rin ang tawag dito hanggang ngayon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.