11ibinigay niya ang dalawampung bayan sa Galilea kay Haring Hiram ng Tiro. Ginawa niya ito dahil tinustusan siya ni Hiram ng lahat ng kahoy na sedro at sipres at ng ginto na kanyang kailangan.
12Ngunit nang pumunta si Hiram sa Galilea mula sa Tiro upang tingnan ang mga bayan na ibinigay sa kanya ni Solomon, hindi siya nasiyahan dito.
13Sinabi niya kay Solomon, “Aking kapatid, anong klaseng mga bayan itong ibinigay mo sa akin?” Tinawag ni Hiram ang lupaing iyon na Cabul, at ganito pa rin ang tawag dito hanggang ngayon.
14Gayunpaman, nagpadala si Hiram kay Haring Solomon ng limang toneladang ginto.
15Ito ang salaysay tungkol sa sapilitang pagpapatrabaho ni Haring Solomon sa mga tao upang maipatayo ang Templo ng Panginoon at ang kanyang palasyo, sa pagpapatibay ng lupain sa bandang silangan ng lungsod, sa pagpapatibay ng pader ng Jerusalem, at sa pagpapatayong muli ng mga lungsod ng Hazor, Megido at Gezer.