6“Ngunit kung tatalikod kayo o ang inyong mga salin-lahi sa akin at hindi susunod sa mga utos at mga tuntunin na ibinigay ko sa inyo, at sa halip ay maglilingkod at sasamba kayo sa mga diyos-diyosan,
7palalayasin ko kayo sa lupaing ibinigay ko sa inyo at itatakwil ko ang Templong ito na hinirang kong lugar para sa kaluwalhatian ng aking pangalan. Kapag nangyari ito, kukutyain at pagtatawanan ng lahat ng tao ang Israel.
8Ang nakakamanghang Templong ito ay masisira, at ang lahat ng daraan dito ay magtataka at painsultong sasabihin, ‘Bakit ginawa ito ng Panginoon sa lupain at Templong ito?’
9Sasagot ang iba, ‘Dahil tinalikuran nila ang Panginoon na kanilang Diyos na naglabas sa kanilang mga ninuno sa Ehipto at naglingkod sila at sumamba sa mga diyos-diyosan. Iyan ang dahilan kung bakit pinadalhan sila ng Panginoon ng mga kapahamakan.’ ”
10Matapos na maipatayo ni Solomon ang dalawang gusali, ang Templo ng Panginoon at ang palasyo sa loob ng dalawampung taon,