1 Mga Hari 9

“Ngunit kung tatalikod kayo o ang inyong mga salin-lahi sa akin at hindi susunod sa mga utos at mga tuntunin na ibinigay ko sa inyo, at sa halip ay maglilingkod at sasamba kayo sa mga diyos-diyosan,

1 Kings 9:6 (UKJV) But if all of you shall at all turn from following me, all of you or your children, and will not keep my commandments and my statutes which I have set before you, but go and serve other gods, and worship them:

4“At ikaw, kung mamumuhay ka nang tapat at matuwid sa aking harapan, gaya ng iyong ama na si David, at gagawin mo ang lahat ng ipinapagawa ko sa iyo at tutuparin mo ang aking mga tuntunin at mga utos,

5paghahariin ko sa Israel ang iyong angkan magpakailanman, gaya ng ipinangako ko kay David na iyong ama nang sabihin ko sa kanya, ‘Kailanmaʼy hindi mawawawala sa iyong angkan ang paghahari sa Israel.’

6“Ngunit kung tatalikod kayo o ang inyong mga salin-lahi sa akin at hindi susunod sa mga utos at mga tuntunin na ibinigay ko sa inyo, at sa halip ay maglilingkod at sasamba kayo sa mga diyos-diyosan,

7palalayasin ko kayo sa lupaing ibinigay ko sa inyo at itatakwil ko ang Templong ito na hinirang kong lugar para sa kaluwalhatian ng aking pangalan. Kapag nangyari ito, kukutyain at pagtatawanan ng lahat ng tao ang Israel.

8Ang nakakamanghang Templong ito ay masisira, at ang lahat ng daraan dito ay magtataka at painsultong sasabihin, ‘Bakit ginawa ito ng Panginoon sa lupain at Templong ito?’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.