1 Mga Hari 9

“At ikaw, kung mamumuhay ka nang tapat at matuwid sa aking harapan, gaya ng iyong ama na si David, at gagawin mo ang lahat ng ipinapagawa ko sa iyo at tutuparin mo ang aking mga tuntunin at mga utos,

1 Kings 9:4 (UKJV) And if you will walk before me, as David your father walked, in integrity of heart, and in uprightness, to do according to all that I have commanded you, and will keep my statutes and my judgments:

2muling nagpakita ang Panginoon gaya ng pagpapakita niya noon sa kanya, sa Gibeon.

3Sinabi sa kanya ng Panginoon: “Narinig ko ang panalangin at kahilingan mo sa akin. Pinili ko ang Templong ito na ipinatayo mo, na magsisilbing lugar para sa kaluwalhatian ng aking pangalan, magpakailanman. Palagi ko itong babantayan at iingatan.

4“At ikaw, kung mamumuhay ka nang tapat at matuwid sa aking harapan, gaya ng iyong ama na si David, at gagawin mo ang lahat ng ipinapagawa ko sa iyo at tutuparin mo ang aking mga tuntunin at mga utos,

5paghahariin ko sa Israel ang iyong angkan magpakailanman, gaya ng ipinangako ko kay David na iyong ama nang sabihin ko sa kanya, ‘Kailanmaʼy hindi mawawawala sa iyong angkan ang paghahari sa Israel.’

6“Ngunit kung tatalikod kayo o ang inyong mga salin-lahi sa akin at hindi susunod sa mga utos at mga tuntunin na ibinigay ko sa inyo, at sa halip ay maglilingkod at sasamba kayo sa mga diyos-diyosan,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.