1 Mga Hari 9

muling nagpakita ang Panginoon gaya ng pagpapakita niya noon sa kanya, sa Gibeon.

1 Kings 9:2 (UKJV) That the LORD appeared to Solomon the second time, as he had appeared unto him at Gibeon.

1Nang matapos ni Solomon ang pagpapatayo ng Templo ng Panginoon at ng kanyang palasyo, at ng lahat ng iba pang ninais niyang gawin,

2muling nagpakita ang Panginoon gaya ng pagpapakita niya noon sa kanya, sa Gibeon.

3Sinabi sa kanya ng Panginoon: “Narinig ko ang panalangin at kahilingan mo sa akin. Pinili ko ang Templong ito na ipinatayo mo, na magsisilbing lugar para sa kaluwalhatian ng aking pangalan, magpakailanman. Palagi ko itong babantayan at iingatan.

4“At ikaw, kung mamumuhay ka nang tapat at matuwid sa aking harapan, gaya ng iyong ama na si David, at gagawin mo ang lahat ng ipinapagawa ko sa iyo at tutuparin mo ang aking mga tuntunin at mga utos,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.