1Nang matapos ni Solomon ang pagpapatayo ng Templo ng Panginoon at ng kanyang palasyo, at ng lahat ng iba pang ninais niyang gawin,
2muling nagpakita ang Panginoon gaya ng pagpapakita niya noon sa kanya, sa Gibeon.
3Sinabi sa kanya ng Panginoon: “Narinig ko ang panalangin at kahilingan mo sa akin. Pinili ko ang Templong ito na ipinatayo mo, na magsisilbing lugar para sa kaluwalhatian ng aking pangalan, magpakailanman. Palagi ko itong babantayan at iingatan.