1 Mga Hari 8

Pagkatapos ng Pista, pinauwi ni Solomon ang mga tao. Binasbasan ng mga tao si Haring Solomon, at umuwi silang puno ng kagalakan dahil sa lahat ng kabutihang ginawa ng Panginoon sa kanyang lingkod na si David at sa mga mamamayan niyang Israelita.

1 Kings 8:66 (UKJV) On the eighth day he sent the people away: and they blessed the king, and went unto their tents joyful and glad of heart for all the goodness that the LORD had done for David his servant, and for Israel his people.

64Sa araw ding iyon, itinalaga ng hari ang bakuran na nasa harap ng Templo ng Panginoon para roon mag-alay ng mga handog na sinusunog, mga handog bilang pagpaparangal sa Panginoon, at mga taba bilang handog pangkapayapaan. Dahil ang tansong altar na nasa harapan ng Templo ay napakaliit para sa mga handog na ito.

65Ipinagdiwang ni Solomon at ng buong Israel ang Pista ng Pagtatayo ng mga Kubol. Napakaraming pumunta mula sa Lebo-hamat sa bandang hilaga hanggang sa lambak ng Ehipto sa bandang timog. Nagdiwang sila sa presensya ng Panginoon na kanilang Diyos sa loob ng labing-apat na araw – pitong araw para sa pagtatalaga ng Templo at pitong araw para sa Pista ng Pagtatayo ng mga Kubol.

66Pagkatapos ng Pista, pinauwi ni Solomon ang mga tao. Binasbasan ng mga tao si Haring Solomon, at umuwi silang puno ng kagalakan dahil sa lahat ng kabutihang ginawa ng Panginoon sa kanyang lingkod na si David at sa mga mamamayan niyang Israelita.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.