1 Mga Hari 8

Sa araw ding iyon, itinalaga ng hari ang bakuran na nasa harap ng Templo ng Panginoon para roon mag-alay ng mga handog na sinusunog, mga handog bilang pagpaparangal sa Panginoon, at mga taba bilang handog pangkapayapaan. Dahil ang tansong altar na nasa harapan ng Templo ay napakaliit para sa mga handog na ito.

1 Kings 8:64 (UKJV) The same day did the king hallow the middle of the court that was before the house of the LORD: for there he offered burnt offerings, and food offerings, and the fat of the peace offerings: because the brazen altar that was before the LORD was too little to receive the burnt offerings, and food offerings, and the fat of the peace offerings.

62Pagkatapos, naghandog si Haring Solomon at ang buong Israel sa Panginoon.

63Nag-alay sila ng mga handog pangkapayapaan: 22,000 baka at 120,000 tupa at kambing. Sa ganitong paraan, itinalaga ng hari at ng lahat ng mga Israelita ang Templo ng Panginoon.

64Sa araw ding iyon, itinalaga ng hari ang bakuran na nasa harap ng Templo ng Panginoon para roon mag-alay ng mga handog na sinusunog, mga handog bilang pagpaparangal sa Panginoon, at mga taba bilang handog pangkapayapaan. Dahil ang tansong altar na nasa harapan ng Templo ay napakaliit para sa mga handog na ito.

65Ipinagdiwang ni Solomon at ng buong Israel ang Pista ng Pagtatayo ng mga Kubol. Napakaraming pumunta mula sa Lebo-hamat sa bandang hilaga hanggang sa lambak ng Ehipto sa bandang timog. Nagdiwang sila sa presensya ng Panginoon na kanilang Diyos sa loob ng labing-apat na araw – pitong araw para sa pagtatalaga ng Templo at pitong araw para sa Pista ng Pagtatayo ng mga Kubol.

66Pagkatapos ng Pista, pinauwi ni Solomon ang mga tao. Binasbasan ng mga tao si Haring Solomon, at umuwi silang puno ng kagalakan dahil sa lahat ng kabutihang ginawa ng Panginoon sa kanyang lingkod na si David at sa mga mamamayan niyang Israelita.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.