61At sana, kayong mga Israelita ay maging tapat sa Panginoon na ating Diyos. Tuparin ninyo ang kanyang mga tuntunin at mga utos katulad ng ginagawa ninyo ngayon.”
62Pagkatapos, naghandog si Haring Solomon at ang buong Israel sa Panginoon.
63Nag-alay sila ng mga handog pangkapayapaan: 22,000 baka at 120,000 tupa at kambing. Sa ganitong paraan, itinalaga ng hari at ng lahat ng mga Israelita ang Templo ng Panginoon.
64Sa araw ding iyon, itinalaga ng hari ang bakuran na nasa harap ng Templo ng Panginoon para roon mag-alay ng mga handog na sinusunog, mga handog bilang pagpaparangal sa Panginoon, at mga taba bilang handog pangkapayapaan. Dahil ang tansong altar na nasa harapan ng Templo ay napakaliit para sa mga handog na ito.
65Ipinagdiwang ni Solomon at ng buong Israel ang Pista ng Pagtatayo ng mga Kubol. Napakaraming pumunta mula sa Lebo-hamat sa bandang hilaga hanggang sa lambak ng Ehipto sa bandang timog. Nagdiwang sila sa presensya ng Panginoon na kanilang Diyos sa loob ng labing-apat na araw – pitong araw para sa pagtatalaga ng Templo at pitong araw para sa Pista ng Pagtatayo ng mga Kubol.