1Mula kay Pedro na apostol ni Hesu-Kristo, Sa mga naninirahan bilang mga dayuhan at nangalat sa Ponto, Galacia, Capadocia, Asia at Bitinia, na pinili
2ng Diyos Ama ayon sa kanyang layunin noon pa at pinabanal ng Espiritu, upang sundin si Hesu-Kristo at linisin sa mga kasalanan ninyo sa pamamagitan ng kanyang dugo. Sumainyo nawa ang higit pang biyaya at kapayapaan.
3Purihin natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Hesu-Kristo! Dahil sa dakilang awa niya sa atin, ipinanganak tayong muli sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Hesu-Kristo.
4Ito ang nagbibigay sa atin ng malaking pag-asa na may inihandang mana ang Diyos para sa atin. Ang pamanang itoʼy nasa langit, walang kapintasan, hindi nasisira, at hindi kumukupas.
5At sa pamamagitan ng pananampalataya nʼyo, iniingatan kayo ng kapangyarihan ng Diyos habang naghihintay kayo ng kaligtasan na nakalaang ihayag sa huling panahon.