1 Pedro 2

Ngunit kung pinaparusahan kayo dahil sa ginagawa ninyong masama, wala ring kabuluhan kahit tiisin ninyo ito. Subalit kung dumaranas kayo ng hirap dahil sa paggawa ng mabuti at tinitiis ninyo ito, kalulugdan kayo ng Diyos.

1 Peter 2:20 (UKJV) For what glory is it, if, when all of you be buffeted for your faults, all of you shall take it patiently? but if, when all of you do well, and suffer for it, all of you take it patiently, this is acceptable with God.

18Mga alipin, sundin ninyo nang may takot sa Diyos ang mga amo ninyo, hindi lang ang mababait kundi pati ang malulupit.

19Sapagkat pagpapalain kayo ng Diyos kung tinitiis ninyo ang mga pagpapahirap kahit wala kayong kasalanan dahil sa nais ninyong sundin ang kalooban niya.

20Ngunit kung pinaparusahan kayo dahil sa ginagawa ninyong masama, wala ring kabuluhan kahit tiisin ninyo ito. Subalit kung dumaranas kayo ng hirap dahil sa paggawa ng mabuti at tinitiis ninyo ito, kalulugdan kayo ng Diyos.

21Ang mga pagdurusa ni Kristo para sa atin ang halimbawang dapat nating tularan. Ito ang dahilan kung bakit tayo tinawag, upang tularan natin ang buhay ni Kristo.

22“Hindi siya nagkasala o nagsinungaling man.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.