1 Pedro 3

Ngunit maging mahinahon at magalang kayo sa inyong pagsagot. Tiyakin ninyong laging malinis ang inyong konsensiya, upang mapahiya ang mga taong minamasama ang mabubuti ninyong gawa bilang mga alagad ni Kristo.

1 Peter 3:16 (UKJV) Having a good conscience; that, whereas they speak evil of you, as of evildoers, they may be ashamed that falsely accuse your good conversation in Christ.

14Ngunit kahit na maghirap kayo dahil sa paggawa ng tama, mapalad kayo. Kaya “huwag kayong matakot sa kanila at huwag kayong kabahan.”

15Alalahanin nʼyong si Kristo ang dapat ninyong parangalan nang buong puso at sundin bilang Panginoon. Dapat palagi kayong handang magpaliwanag sa sinumang magtatanong sa inyo tungkol sa pag-asa ninyo.

16Ngunit maging mahinahon at magalang kayo sa inyong pagsagot. Tiyakin ninyong laging malinis ang inyong konsensiya, upang mapahiya ang mga taong minamasama ang mabubuti ninyong gawa bilang mga alagad ni Kristo.

17Mas mabuti pang magtiis kayo ng hirap dahil sa paggawa ng mabuti, kung ito talaga ang kalooban ng Diyos, kaysa sa magtiis kayo ng hirap dahil sa paggawa ng masama.

18Sapagkat si Kristo ngaʼy pinatay kahit wala siyang ginawang masama. At minsan lamang siyang namatay upang mapatawad ang mga kasalanan natin. Siya na walang kasalanan ay pinatay alang-alang sa ating mga makasalanan, upang madala niya tayo sa Diyos. Pinatay ang kanyang katawan ngunit binuhay siya ayon sa Espiritu.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.